Ipinanganak noong 1796 sa Tondo, Manynila, si Damian Domingo ay ang unahang Pilipino na nagpinta ng kaniyang sariling mukha, ang kauna-unahang larawan ng isang tao na siya mismo ang gumuhit o self-potrait. Siya rin ang pinakaunang painter na dalubhasa sa sekular na pagpipinta o secular painting. Taglay ang pagkakaroon ng photographic eye, si Domingo ay nagpakita din ng kahusayan sa miniature painting. Dahil sa kaniyang pambihirang talento, binansagan siyang, "The First Great Filipino Painter." Si Domingo din ang nagtatag ng Acedemia de Dibujo y Pintura, ang pinaka-unang paaralan sa Pilipinas para sa mahilig gumuhit.
Philippine Paintings
Jarryd Alec M. Bigornia; Celso C. Flores jr.; Jan-Carl X. Indiongco; Marc James Z. Mojares; Joel T. Narvaja
Monday, August 16, 2010
Brown Madonna; Rivers of Life by Galo Ocampo
Si Galo B. Ocampo (1913–1985) ay isinilang sa Santa Rita, Pampanga noong 16 Oktubre. Kabilang siya sa Labintatlong Modernistang Pintor na Filipino noong siglo beynte.
Nag-aral siya ng Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts noong 1929–1934. Kumuha rin siya ng espesyalisadong kurso sa heraldry doon sa Washington, D.C. Noong 1947; numismatikong pag-aaral sa Museo ng Modernong Sining sa New York noong 1948; henealohiya at heraldry sa Madrid, Espanya noong 1956; at Sining Liturhiko sa Roma, Italya noong 1956.
Idinisenyo ni Ocampo ang sagisag ng Republika ng Filipinas. Nagturo siya ng sining sa Unibersidad ng Santo Tomas at sa Far Eastern University. Noong panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal, si Ocampo ay nagsilbing curator ng Museo ng Malacañang, at pagkaraan, Direktor ng Pambansang Museo.
The Gatherers; The Sketch by Victorio Edades
Si Victorio C. Edades (1895–1995) ay ginawaran ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal noong 1976 dahil sa kaniyang pambihirang ambag sa larangan ng pagpipinta at pagguhit ng mga larawan.
Isinilang siya sa Dagupan, Pangasinan noong 23 Disyembre 1895. Nag-aral siya ng Arkitektura, at pagkaraan ay nakamit ang titulong Masterado sa Pinong Sining sa University of Washington, Seattle. Noong 1937, nagtungo siya sa Paris upang magsagawa ng sari-saring panayam at palihan sa Atelier Colarossi and Ecole des Beaux Arts, Fotainbleau (pagpipinta ng fresko, disenyong pang-arkitektura, at tubig-kulay/watercolor).
Lumahok si Edades sa Taunang Pagtatanghal ng mga Artistang taga-Hilagang Amerika doon sa Seattle noong 1925 at 1927. Doon, nagwagi ng ikalawang gantimpala ang kaniyang lahok na The Sketch noong 1927. Ibinunsod niya ang kaniyang unang solong pagtatanghal noong 1928 sa Philippine Columbian Club sa Ermita, Maynila.
Tumulong si Edades sa pagbubuo ng Kagawaran ng Arkitektura ng Unibersidad ng Santo Tomas noong 1930 at pinili siyang maging pansamantalang pinuno. Noong 1935, nahirang siyang maging Direktor ng Kolehiyo ng Arkitektura at Pinong Sining ng UST. Binuksan niya—kasama sina Diosdado Lorenzo at Galo Ocampo—ang Atelier of Modern Art sa Kalye M.H. Del Pilar noong 1938. Inorganisa din niya at ni Juan Nakpil ang Paaralan ng Disenyo (School of Design) noong 1940.
Young Filipina; Planting Rice by Fabian De la Rosa
Si Fabian Cueto dela Rosa (5 Mayo 1869-14 Disyembre 1937) ay isang Pilipinong pintor na kilala para sa kanyang mga makatotohanang dibuho. Ayon kay Aurelio S. Alvero, nagbago ang estilo niya sa pagdaan ng taon: Noong una, ang estilo niya ay akademiko na madetalye ngunit kulang sa damdamin. Sa pagdaan ng taon, naging mas ekspresibo ang kanyang mga gawa. Sa wakas, nakasentro siya sa aplikasyon ng iba-ibang kulay. Ipinanganak si de la Rosa sa Paco, Lungsod Maynila, bilang pangalawang anak ni Marcos de la Rosa at Gregoria Cueto. Habang bata pa siya, may talento na siya, at magaling gumuhit bago pa siya matutong magsulat. Tinuruan siya ng kanyang tita, si Marciana de la Rosa, ng pagguhit at pagpinta simula ng sampung taong gulang siya.
The Christian Virgins Being Exposed to the Populace; Laguna Estiglia by Felix Hidalgo
Si Felix Resurreccion Hidalgo (1855-1913) ay isang pintor na nakalikha ng halos 1000 na mga likhang-sining sa pagpipinta, gamit ang oil, water-color, pastels at uling. Ang paksa ng kanyang mga gawa ay mula sa mga mitolohiya hanggang sa mga makasaysayang tanawin ng lupa o dagat, at larawan ng mga tao.
Ipinanganak siya noong 21 Pebrero 1855 sa Binondo, Maynila at pangatlo sa pitong anak nina Eduardo Resurreccion Hidalgo at Maria Barbara Padilla.
Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at sinuportahan ni Padre Sabater. Nag-aral siya ng abogasya, ngunit hindi niya ito natapos, at tumanggap din siya ng Batsilyer sa Pilosopiya noong Marso 1871. Kasabay nito, siya rin ay nag-aral sa Escuela de Dibujo y Pintura sa ilalim ng Espanyol na pintor na si Agustin Saez.
Siya ay pinadala sa Espanya bilang pensionado noong 1879, at siya ay nag-aral sa School of Fine Arts sa Madrid. Sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral, sa halip na bumalik sa Pilipinas, nagpunta siya sa Paris at nagtayo ng sarili niyang gallery sa 43 Blvd. Arago, kung saan niya itinanghal ang kanyang mga obra ng sining.
Carrying a Banga; Waiting for the Monsoon by Ben Cabrera
Si Benedicto Reyes Cabrera o mas kilala bilang Bencab, ay isang pintor at Pambansang Alagad ng SiningPilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Makikita sa kanyang mga obra ang masining niyang pagsasalarawan ng mga panlipunang isyu, lalong-lalo na ang tungkol sa mga Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo. sa Sining Biswal na kilala hindi lamang dito sa
Ipinanganak siya noong 10 Abril 1942 at bunso sa siyam na anak nina Democrito Cabrera at Isabel Reyes.
Kumuha siya ng fine arts sa Unibersidad ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1963. Una siyang nagtrabaho bilang ilustrador sa Sunday Times Magazine ng Manila Times, 1965-1968 bago siya hinimok nina Virgilio Aviado, Marciano Galang at Alfredo Liongoren na maging isang fulltime na pintor.
Ang Aleman na pintor na si Kathe Kollwitz ang siyang naging pinakamalaking impluwensiya kay Bencab sa kanyang mga pinta tungkol sa mga pulubi, manggagawa at pati na rin sa tema na mother-and-child.
Nagkaroon siya ng una niyang eksibisyon ng kanyang mga obra sa Indigo Gallery sa Ermita, Maynila noong 1960. Pagkatapos nito, nagkaroon pa siya ng ilang pagtatanghal sa London, New York, Macau at ilang bansa sa Europa. Habang nasa Europa, sumali siya sa ilang mga Philippine Art Shows tulad ng: Six Artistes Contemporains Philippines en Europe sa Paris; Philippine Printmakers sa Royal Festival Hall sa London; Philippine Graphic Art Exhibition sa Munich; at ang 8th Biennale Internationale de Arts sa Valparaiso, Chile.
Laundry Women; Six Senses by Anita Magsaysay-Ho
Si Anita Magsaysay-Ho (Manila, 25 May 1914- ) ay kilala para sa kanyang mga abstrak na mga dibuho ng mga babae sa kanilang pang-araw-araw na gawain at ng mga hubad na babae.
Isa siya sa mga Modernists, ang iisang babae na kasama ng 13 na pintor na nagpasimula ng mga estilong moderno noong 1950s. Noong 1958, isa siya sa mga 6 Outstanding Filipino painters, kasama ni Vicente Manansala, Arturo Luz, Hernando R. Ocampo, Carlos "Botong" Francisco, at Fernando Zobel, na itinuring ng 8 kilalang tao sa larangan ng sining sa Manila Chronicle panlinggo na magasin This Week.
Woman in Red; Three Women by Mauro "Malang" Santos
Mauro Malang Santos, more popularly known as simply "Malang" is one of the Philippines' most prominent painters. At 77 years old, Malang is still active and still painting. His works have been considered to "celebrate the Philippine landscape, it's people and their traditions with rapturous, fiesta colors."
Crucifixion; Jeepneys; Luksong-Taga by Vicente Manansala
Si Vicente S. Manansala (22 Enero 1910 - 1981) ay isang modernong Pilipinong pintor. Noong 1981, itinuring siyang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining (posthumous). Siya ang itinuturing na nagsimula ng estilong cubism sa bansa. Isa si Manansala sa Thirteen Moderns na pinangungunahan ni Victorio C. Edades at isa sa Big Three ng modernist movement, kasama sina Cesar Legaspi at Hernando R. Ocampo. Dagdag pa rito, binuo niya ang grupo ng mga Neo-Realists kasama sina Romeo Tabuena at Anita Magsaysay-Ho. at isa sa Big Three ng
Ipinanganak si Manansala noong 1910 sa Macabebe, Pampanga, ikalawa sa walong anak. Isang taon bago siya mag-kolehiyo, nagtrabaho siya bilang tagapinta ng mga paskil para sa mga pelikula. Pinakasalan niya si Hermengilda Diaz noong 1937. Namatay siya noong 1981 sa Lungsod Makati.
Lavandera; Princess Urduja by Fernando Amorsolo
Fernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892- 26 Febrero 1972) ay isa sa pinakakilalang Pilipinong pintor at ang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Kilala siya para sa kanyang mga dibuho na pinapakita ang kaggandahan ng Pilipinas, lalo na ng mga babaeng Pilipina.
Ipinangnanak siya sa Paco, Maynila. Ang kanyang ama, si Pedro Amorsolo ay isang bookkeeper. Ang ina niya, si Bonifacia Cueto, ay pinsan ng pintor na si Fabian de la Rosa, na naging pinakamalakas na impluwensya sa estilo ng pagpipinta ni Amorsolo.
Lumaki sa Daet, Camarines Sur si Amorsolo hanggang 13 na taong gulang siya at namatay ang kanyang ama. Ang pamilyang Amorsolo ay bumalik sa Maynila upang matulungan sila ni De la Rosa. Tinuruan si Amorsolo na gumuhit at magpinta nito. Natulungan ni Amorsolo ang kanyang ina na naging burdadora na isuporta ang pamilya sa pamamgitan ng paggawa at pagbenta ng mga postcards.
Maraming ginawa si Amorsolo na iba-ibang klaseng dibuho, lalo na mga dibuho ng mga tao, tanawin, at mga makasaysayang pangyayari. Halos lahat ng mga gawa niya ay representasyon ng pinakamagandang mga aspeto ng Pilipinas at ipinapakita ang kanyang nasyonalismo. Pinalaganap niya ang kagandahang Pilipina: balat ay kayumangging kaligatan, mamula-mula ang pisngi, bilog ang mukha, buhay na mata, maikli ngunit pansin ang ilong, at malambot at kawili-wiling labi. Kilala rin si Amorsolo sa kanyang pagkabihag ng liwanag ng Pilipinas at ang kanyang paggamit ng backlighting--sa likod ng mga taong pinipinta ang ilaw upang mas kapansin-pansin sila.
Nagpinta din siya ng mga eksena mula sa sinaunang panahon ng Pilipinas. Noong panahon ng ika-2 Digmaang Pandaigdig, ginuhit niya ang mga pangyayari gaya ng pagbomba sa Maynila. Ang mga ito lamang halos ang mga dibuho niyang hindi tahimik at masaya.
Bayanihan; Harana by Carlos "Botong" Francisco
Isinilang si Carlos "Botong" Francisco sa Angono, Rizal noong 4 Nobyembre 1913 at yumao noong 1969. Nagsimulang magtrabaho bilang layout artist at ilustrador sa Philippine Herald at Manila Tribune si Botong. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine Arts. Si Botong ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta.
Kasama sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, nagpinta siya ng sari-saring mural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod Maynila; Capitol Theater; The Golden Gate Exposition, San Francisco; State Theater; at sa mga tahanan ng mga sikat na tao, tulad nina Ernesto at Vicente Rufino at Pang. Manuel L. Quezon. Makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Botong ang naging pangunahing pintor ng mural sa Filipinas
Spolarium by Juan Luna
Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.
Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1891 at idinakip siya kasama ng kanyang kapatid na si Antonio Luna noong 1896 at ikinulong sa Fort Santiago dahil sila ay sinususpetiyang taga-oraganisa ng rebolusyon ng mga Katipunero. Noong pinalaya siya noong 27 Mayo 1897, bumalik siya sa Europa. Sa pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, isa siya sa piniling maging bahagi ng delegasyon para sa negosasyon sa pagkilala ng Paris at Amerika sa bagong republika.
Nang pauwi na siya sa Pilipinas, tumigil siya sa Hong Kong, kung saan inatake siya sa puso at namatay.
Pagkalipas ng ilang taon, ang kanyang huling obrang Peuple et Rois na nakumpleto niya noong 1889 ay ikinunsiderang pinakamahusay na lahok sa Universal Exposition sa Saint Louis sa Amerika.
Alamat ng Malbarosa by Nemi Miranda
Si Nemesio “Nemi” R. Miranda, Jr., higit na kilala bilang Nemiranda, ay isang tanyag na pintor at eskultor. Isa siya sa mga masugid na tagapagtaguyod ng sining sa Angono, Rizal, kung saan siya ipinanganak noong 14 Pebrero 1949. Siya ang nagpakilala at patuloy na nagpapayabong sa estilong Imaginative Figurism.
Mother and Child by Ang Kiukok
Si Ang Kiukok (Davao, 1 March 1931-9 May 2005) ay isang Pilipinong modernong pintor na kilala para sa kanyang mga dibuho na may mga nakakatakot at nakakaistorbong imahen sa estilong cubist at expressionist. Noong 2001, itinuring siyang Pambansang Alagad ng Sining.
Ipinanganak si Ang sa Lungsod Davao. Nagmula sa Tsina ang kanyang mga magulang, si Vicente Ang at Chin Lim, kaya unang sinusulat niya ang kanyang apelyido.
Nag-aral siya ng pagpipinta sa estilong Tsino habang nasa murang edad pa siya. Nag-aral siya ng pagpipinta sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1952 hanggang 1954. Ilan sa kaniyang mga guro ay ang mga kilalang pintor at iskultor na sina Vicente S. Manansala, Victorio Edades, Carlos "Botong" Francisco, Galo B. Ocampo at ang Italyanong iskultor na si Francesco Monti.
Subscribe to:
Posts (Atom)