Si Felix Resurreccion Hidalgo (1855-1913) ay isang pintor na nakalikha ng halos 1000 na mga likhang-sining sa pagpipinta, gamit ang oil, water-color, pastels at uling. Ang paksa ng kanyang mga gawa ay mula sa mga mitolohiya hanggang sa mga makasaysayang tanawin ng lupa o dagat, at larawan ng mga tao.
Ipinanganak siya noong 21 Pebrero 1855 sa Binondo, Maynila at pangatlo sa pitong anak nina Eduardo Resurreccion Hidalgo at Maria Barbara Padilla.
Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at sinuportahan ni Padre Sabater. Nag-aral siya ng abogasya, ngunit hindi niya ito natapos, at tumanggap din siya ng Batsilyer sa Pilosopiya noong Marso 1871. Kasabay nito, siya rin ay nag-aral sa Escuela de Dibujo y Pintura sa ilalim ng Espanyol na pintor na si Agustin Saez.
Siya ay pinadala sa Espanya bilang pensionado noong 1879, at siya ay nag-aral sa School of Fine Arts sa Madrid. Sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral, sa halip na bumalik sa Pilipinas, nagpunta siya sa Paris at nagtayo ng sarili niyang gallery sa 43 Blvd. Arago, kung saan niya itinanghal ang kanyang mga obra ng sining.
_by_Felix_Ressureccion_Hidalgo_1884.jpg)

No comments:
Post a Comment