Si Nemesio “Nemi” R. Miranda, Jr., higit na kilala bilang Nemiranda, ay isang tanyag na pintor at eskultor. Isa siya sa mga masugid na tagapagtaguyod ng sining sa Angono, Rizal, kung saan siya ipinanganak noong 14 Pebrero 1949. Siya ang nagpakilala at patuloy na nagpapayabong sa estilong Imaginative Figurism.
Noong 1988 ay ipinakilala ni Nemiranda ang estilong Imaginative Figurism, o ang paggamit ng imahinasyon sa pagguhit ng mga anyong-tao bilang sentro ng sining. Ayon sa kanya, kapag na-master ng isang pintor ang anyong-tao gamit ang kanyang memorya, nang hindi gumagamit ng litrato o modelo, ay magkakaroon siya ng kapangyarihang kontrolin ito at iguhit sa posturang nais niya.
this is my most favorite alamat ever!!!
ReplyDelete