Si Benedicto Reyes Cabrera o mas kilala bilang Bencab, ay isang pintor at Pambansang Alagad ng SiningPilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Makikita sa kanyang mga obra ang masining niyang pagsasalarawan ng mga panlipunang isyu, lalong-lalo na ang tungkol sa mga Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo. sa Sining Biswal na kilala hindi lamang dito sa
Ipinanganak siya noong 10 Abril 1942 at bunso sa siyam na anak nina Democrito Cabrera at Isabel Reyes.
Kumuha siya ng fine arts sa Unibersidad ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1963. Una siyang nagtrabaho bilang ilustrador sa Sunday Times Magazine ng Manila Times, 1965-1968 bago siya hinimok nina Virgilio Aviado, Marciano Galang at Alfredo Liongoren na maging isang fulltime na pintor.
Ang Aleman na pintor na si Kathe Kollwitz ang siyang naging pinakamalaking impluwensiya kay Bencab sa kanyang mga pinta tungkol sa mga pulubi, manggagawa at pati na rin sa tema na mother-and-child.
Nagkaroon siya ng una niyang eksibisyon ng kanyang mga obra sa Indigo Gallery sa Ermita, Maynila noong 1960. Pagkatapos nito, nagkaroon pa siya ng ilang pagtatanghal sa London, New York, Macau at ilang bansa sa Europa. Habang nasa Europa, sumali siya sa ilang mga Philippine Art Shows tulad ng: Six Artistes Contemporains Philippines en Europe sa Paris; Philippine Printmakers sa Royal Festival Hall sa London; Philippine Graphic Art Exhibition sa Munich; at ang 8th Biennale Internationale de Arts sa Valparaiso, Chile.
No comments:
Post a Comment