Fernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892- 26 Febrero 1972) ay isa sa pinakakilalang Pilipinong pintor at ang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Kilala siya para sa kanyang mga dibuho na pinapakita ang kaggandahan ng Pilipinas, lalo na ng mga babaeng Pilipina.
Ipinangnanak siya sa Paco, Maynila. Ang kanyang ama, si Pedro Amorsolo ay isang bookkeeper. Ang ina niya, si Bonifacia Cueto, ay pinsan ng pintor na si Fabian de la Rosa, na naging pinakamalakas na impluwensya sa estilo ng pagpipinta ni Amorsolo.
Lumaki sa Daet, Camarines Sur si Amorsolo hanggang 13 na taong gulang siya at namatay ang kanyang ama. Ang pamilyang Amorsolo ay bumalik sa Maynila upang matulungan sila ni De la Rosa. Tinuruan si Amorsolo na gumuhit at magpinta nito. Natulungan ni Amorsolo ang kanyang ina na naging burdadora na isuporta ang pamilya sa pamamgitan ng paggawa at pagbenta ng mga postcards.
Maraming ginawa si Amorsolo na iba-ibang klaseng dibuho, lalo na mga dibuho ng mga tao, tanawin, at mga makasaysayang pangyayari. Halos lahat ng mga gawa niya ay representasyon ng pinakamagandang mga aspeto ng Pilipinas at ipinapakita ang kanyang nasyonalismo. Pinalaganap niya ang kagandahang Pilipina: balat ay kayumangging kaligatan, mamula-mula ang pisngi, bilog ang mukha, buhay na mata, maikli ngunit pansin ang ilong, at malambot at kawili-wiling labi. Kilala rin si Amorsolo sa kanyang pagkabihag ng liwanag ng Pilipinas at ang kanyang paggamit ng backlighting--sa likod ng mga taong pinipinta ang ilaw upang mas kapansin-pansin sila.
Nagpinta din siya ng mga eksena mula sa sinaunang panahon ng Pilipinas. Noong panahon ng ika-2 Digmaang Pandaigdig, ginuhit niya ang mga pangyayari gaya ng pagbomba sa Maynila. Ang mga ito lamang halos ang mga dibuho niyang hindi tahimik at masaya.
CHARLEMAGNE MAE E. BELARDE was HERE!!!
ReplyDeletedito ka talaga nagcomment ah
ReplyDelete