Isinilang si Carlos "Botong" Francisco sa Angono, Rizal noong 4 Nobyembre 1913 at yumao noong 1969. Nagsimulang magtrabaho bilang layout artist at ilustrador sa Philippine Herald at Manila Tribune si Botong. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine Arts. Si Botong ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta.
Kasama sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, nagpinta siya ng sari-saring mural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod Maynila; Capitol Theater; The Golden Gate Exposition, San Francisco; State Theater; at sa mga tahanan ng mga sikat na tao, tulad nina Ernesto at Vicente Rufino at Pang. Manuel L. Quezon. Makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Botong ang naging pangunahing pintor ng mural sa Filipinas
No comments:
Post a Comment