Si Galo B. Ocampo (1913–1985) ay isinilang sa Santa Rita, Pampanga noong 16 Oktubre. Kabilang siya sa Labintatlong Modernistang Pintor na Filipino noong siglo beynte.
Nag-aral siya ng Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts noong 1929–1934. Kumuha rin siya ng espesyalisadong kurso sa heraldry doon sa Washington, D.C. Noong 1947; numismatikong pag-aaral sa Museo ng Modernong Sining sa New York noong 1948; henealohiya at heraldry sa Madrid, Espanya noong 1956; at Sining Liturhiko sa Roma, Italya noong 1956.
Idinisenyo ni Ocampo ang sagisag ng Republika ng Filipinas. Nagturo siya ng sining sa Unibersidad ng Santo Tomas at sa Far Eastern University. Noong panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal, si Ocampo ay nagsilbing curator ng Museo ng Malacañang, at pagkaraan, Direktor ng Pambansang Museo.
No comments:
Post a Comment